Tony Labrusca sa mga beki’t matrona: Sobrang taba ko

TONY LABRUSCA

Kahit super yummy na ang tingin sa kanya ng mga girls, beki at matrona, “mataba” pa rin ang pala ang tingin ni Tony Labrusca sa kanyang sarili.

In fairness, kahit na nga dumaan sa ilang kontrobersya in the past, tuluy-tuloy pa rin ang dating ng trabaho sa Kapamilya hunk.

Bukod sa 2019 MMFF entry nina Vice Ganda at Anne Curtis, may gagawin din siyang pelikula kasama sina Lovi Poe at Marco Gumabao under Viva Films. At Katatapos lang ng teleserye niya sa ABS-CBN na Mea Culpa.

Marami ang nagsasabi na bukod sa napakatindi ng kanyang sex appeal, malaki ang bentahe ng kanyang pagiging hunk. Talagang siya ngayon ang pinagpapantasyahan ng sangkabadingan at ng mga matrona.

Pero para sa binata, “Ako po kasi hindi ganu’n ang tingin ko sa sarili ko (super hunk). I don’t know what people’s reaction will be pero it’s an honor. But at the end of the day, I’m still very fat, that’s not how I view myself.”

Samantala, sa tanong kung game rin ba siyang magkaroon ng sexy o intimate scenes with Vice sa MMFF entry nila, “Hindi ko pa po nababasa ang script para sabihin na oo kailangan na may kissing scene kami ni Vice, ready ako na makipaglambingan kay mama Vice ako excited ako,” aniya pa.

Read more...