Andrea pumayag maging partner ni Seth sa Star Magic Ball

ANDREA BRILLANTES AT SETH FEDELIN

Matinding kilig ang hatid sa fans ng ginawang romantic interlude ni Seth Fedelin sa kanyang Kadenang Ginto leading lady na si Andrea Brillantes.

Nag-effort ang binatilyo sa pag-request nito na kay Marga, este Andrea, na ito ang maging partner niya sa paparating na ABS-CBN Ball. May pa-flower at stuffed toy pa ito sa dalagita.

“First time experiencing a surprise like this!! Thank you potchi! @imsethfedelin. Syempre di naman ako tatanggi maging partner mo sa Abs Cbn ball lakas mo sakin eh,” caption ni Andrea sa IG photo niya kasama si Seth.

“Salamat Marga este ms. @blythe sa pagpayag na maging kapartner ko sa darating na AbsCbn Ball. At lagi mong tatandaan jahit na anong sabihin ng iba respeto ko sa iyo ay kailanman hindi mawawala,” sagot naman ni Seth.

Maraming fans ang tiyak na mag-aabang sa dalawa sa ABS-CBN Ball na first time pupuntahan ni Seth dahil bagito pa lang ito sa showbiz.

Read more...