Posible nga bang mag mala-James Bond ang mga Pinoy sa Tsina?

PREPOSTEROUS! Ito ang naging reaksyon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana bilang reaks-yon sa naging pahayag ni Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jinhua na maaaring nag-e-espiya din ang mga OFWs sa China, matapos taguriang posibleng nag-eespiya ang mga Chinese Philippine offshore gaming operators (POGO) workers na nagtatrabaho malapit sa Philippine military bases.

Walang basehan at hindi, aniya, kapani-paniwala ang naturang paratang ayon kina Lorenzana at Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia dahil nagpupunta lamang ang OFWs sa China upang magtrabaho, at may dala-dalang kontrata ang mga ito, gamit ang kanilang working visa o working permit.

Dagdag pa ni Presidential spokesman Salvador Panelo, na walang intensiyong mag-espiya ang mga Pinoy sa Tsina, dahil hindi naman sila Filipino POGO workers na nagtatrabaho malapit sa mga Chinese military camps.

Napag-alaman kasing inoobliga pala kanilang pamahalaan ang mga Chinese companies na tumulong sa intelligence collection ang mga ito.

Pero bali-baliktarin man natin ang mundo, tanong ni kabayan, paano nga namang mag-eespiya ang Pinoy sa Tsina? Para saan? Para ano?

Umaalis silang may dala-dalang working visa at umuuwi kapag natapos ang kontrata. Wala naman silang ibang motibo kundi ang magtrabaho lamang doon.

Kaya pati ang ating mga Pinoy sa Tsina napapailing at napapakamot na lang ng ulo, sabay sabing “An-be-li-ba-bel!”

Susan Andes a.k.a Susan K. ay napapakinggan sa Radyo Inquirer DzIQ 990 AM(M-F 10:30 am 12:00 pm, audio/video live streaming: www.ustream.tv/channel/dziqHelpline: 0998.991.BOCW E-mail: bantayocwfoundation@yahoo.com/susankbantayocw@yahoo.com

Read more...