HALOS bihira ang nakakakilala sa isang government official na bida sa kwento natin ngayon dahil sa pagiging low profile niya sa mata ng publiko.
Pero hindi doon nagtatapos ang kwento dahil sa totoo lang pati ang kanyang mga tauhan ay kakaunti ang alam na impormasyon kaugnay sa ating bida ngayon.
Sinabi ng aking cricket na mas madalas ay nasa labas ng kanyang tanggapan si Sir dahil bahagi raw ito ng kanyang tungkulin na nasa maayos na takbo ang pinamumunuan niyang kagawaran.
Ayos na sana ang lahat hanggang sa magkwento sa ilan sa kanyang mga katrabaho ang isa sa mga trusted man ni Sir.
Halos linggo-linggo daw kasing nagliliwaliw ang kanilang amo na kanyang isinasabay sa visitation kuno sa mga ahensyang sakop ng kanyang kagawaran.
Less business and more pleasures ang lakad ni Sir ayon pa sa kanyang dakilang alalay.
Medyo magastos rin ang ating bida dahil ang gusto niya ay bongga ang dadatnan niyang mga events sa mga tanggapan na sakop ng kanyang pinamamahalaang departamento.
Kaya naman halos lahat ng mga inaugurations at ribbon-cutting ay imbitado ang ating bida dahil iyun naman talaga ang gustong-gusto niya.
Dahil bawal mag-abroad ang mga miyembro ng Gabinete kaya sa paggala na lamang sa mga lokal na tanggapan bu-mabawi si Sir na halatang bagot na rin sa kanyang trabaho.
Sayang at importante pa naman ang kagawaran na pinamamahalaan ng ating bida dahil ito ang “future” ng sangkatauhan.
Ang bida sa ating kwento na mas madalas sa galaan kesa sa pagganap sa kanyang tungkulin sa pamahalaan ay si Mr. F…as in Future.