Kim: Minsan kahit kay Waze ayaw ko nang magtiwala

KIM CHIU

Napilitan si Kim Chiu na sumakay sa Angkas, isang ride-sharing app gamit ang motor para makaabot sa practice nila ng volleyball bilang preparasyon sa gaganaping Star Magic All-Star Volleyball Games 2019.

Sa kanyang Instagram Story, nag-post ang aktres ng photo kung saan makikita ang matinding traffic, “Akala ko holiday today… Sa QC lang pala… Traffic on a Monday for breakfast!!!”

Dagdag pa niya, “Minsan kahit kay Waze ayaw ko na rin magtiwala… Sabi niya 9 a.m. Ngayon 10:30 na daw!!!”

Sa isa pa niyang post, makikita ang dalaga na nakasakay na ng motor na may caption na, “The things you do just to be able to make it to the volleyball practice after being late at the shoot!”

Read more...