Kilalang aktor nabaliw sa kadramahan ng pasaway na aktres

By Reggee Bonoan August 21,2019
share this

Kilalang aktor nabaliw sa kadramahan ng pasaway na aktres

By Reggee Bonoan August 21,2019
share this

Panay ang iling ng kilalang aktor sa tanong kung gusto pa niyang makatrabaho muli ang aktres na nakasama niya sa isang pelikula. “Not anymore!” mariing sabi nito.

Second choice pala kasi ang aktres sa pelikula dahil ang unang napili ay hindi na kaya ng schedule dahil may araw-araw siyang teleserye.

At dahil okay naman ang kilalang aktor at aktres kaya nagsimula na silang mag-shoot, pero naloka ang una dahil hindi niya

inakalang nakakabaliw palang katrabaho ang dalaga.

“I thought we’re okay, I thought it’s gonna be easy working with her. Well, maybe she’s not comfortable working with me, I guess? Maybe she want’s someone else?” ang sunud-sunod na kuwento ng aktor sa source namin.

Oo nga, ano nga ba ang drama ng aktres bakit inirereklamo siya ng kasamang aktor? Kung hindi niya type ang ka-partner niya, e, di sana hindi niya tinanggap ang project tutal kilala naman siya na mahilig tumanggi sa proyekto?

Sinasayang ng aktres ang mga oportunidad na dumarating sa kanya dahil hindi habang panahon ay mabango siya sa mata ng producers, directors at manonood.

Baka pagsisihan niya pag hindi na siya mabenta, lalo’t hindi naman kagandahan ang kita ng ilang pelikulang nagawa niya.

Kuwento ng aming source, “Lumaki kasi ulo kasi sumikat. Hindi naman ‘yan pinapansin dati, e, ganu’n talaga kapag nakikilala na, nalulunod agad sa isang baso ng tubig.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending