Pasaway na grupo siniraan sa bagong kanta ang taong tumulong sa kanila?


MADALAS sabihin ng mga composers na ang pinakaugat ng mga kantang ginagawa nila ay mula sa kanilang karanasan at karanasan na rin ng mga taong kilala nila.

Mas totoo raw ang mga lyrics ay mas epektibo, nananalamin ang nakikinig sa kanta, dahil puwede ring mangyari sa kanilang buhay ang ganu’ng karanasan.

May paraan ang composer para magparinig, komento naman ng iba, sa pamamagitan ng mga liriko ng piyesa ay nakagaganti ito sa taong kinaiinisan.

Kuwento ng isang source, “Ganu’n mismo ang ginawa ng isang grupo sa taong tumulong sa kanila nu’ng mga panahong kailangang-kailangan nila ng suporta.

“Matinding suporta ang ibinigay sa kanila ng taong ‘yun, talagang binigyan sila ng panahon para umangat ang career nila, pero hindi naging maganda ang samahan nila.

“‘Yung tumulong ang hindi nakatagal, siya na ang dumistansiya sa grupo, kesa nga naman sa nagtatrabaho sila, pero masama naman pala ang loob niya sa tropa,” unang chika ng aming source.

Ayon sa kampo ng female personality na nagbigay-suporta sa grupo ay mahirap silang pakisamahan. Ang iba ay seryoso sa kanilang career, ang iba naman ay pasaway, meron ding pilosopo sa grupo.

Patuloy na chika ng aming impormante, “Walang tatagal sa pagma-manage sa grupong ‘yun dahil magkakaiba ang ugali nila! Mahirap silang i-manage, dahil may mga members na para bang ginagawa lang laro ang career nila!

“Saan ka naman makakatagpo ng mga taong ganu’n? Ilang linggo na nilang alam na meron silang performance, may nagre-remind din sa kanila palagi na sa ganito at ganyang oras ang tinanggap na show para sa kanila.

“Pero pagdating ng mismong araw, e, meron pang mga members na hindi dumarating sa takdang oras! Kesyo may dinaanan pa raw siyang party, ‘yung isa naman, e, napasarap ang tulog!

“Napasarap ang tulog, kaya late nang nagising? Ilang weeks na nilang alam ang performance nila, tapos, may ganu’n pang alibi? Sino namang manager ang makatatagal sa kanila?

“Ayun, para makaganti sila sa taong bumitiw sa kanila, meron silang song ngayon na patama sa taong kinaiinisan nila! Speaking of pakinabang, sila ang mas nakinabang, hindi ang taong tumulong sa kanila na palagi pa ngang abono!

“Ay, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, alam na alam n’yo kung sinu-sino ang mga bumibida sa kuwentong ito!” pagtatapos ng aming source.

Read more...