Patintero sa Tandang Sora

By Leifbilly Begas August 21,2019
share this

Patintero sa Tandang Sora

By Leifbilly Begas August 21,2019
share this

MARAMING natuwa nang lagyan ng harang ang U-turn slot sa Tandang Sora sa Commonwealth Ave. sa Quezon City.
Nang buksan kasi ang U-turn slot na ito, maraming motorista ang nakikipagpatintero para makaliko pa-Katipunan.
Sa halip kasi na bunuin nila ang trapiko hanggang sa susunod na U-turn slot sa may UP Technohub ay tinitiyaga na nila ito.
Ang resulta mas mabigat na daloy ng trapiko.
Ngayong may konkretong harang na hindi na maaaring kumanan pa-Katipunan kapag nag-U turn sa Tandang Sora kaya kailangan ng mga liliko na gamitin ang mas malayong U-turn at unti-unting lumipat ng lane hanggang sa makarating sa right most lane at makaliko ng maayos.
May mga nagrereklamo dahil magastos daw sa gasolina o diesel. Pero mas maliit ‘yung gastos na ito kesa kung mabangga o makabangga ka.
***
Isang lalaki na nakasakay sa motorsiklo ang sinita ng traffic enforcer sa tapat ng munisipyo ng San Mateo noong Sabado.
Malinaw naman ang violation ng motorista. Wala siyang suot na helmet. Ang sabi ng rider malapit lang ang pupuntahan niya.
Alam ng traffic enforcer na walang sinabi ang batas na pwedeng hindi magsuot ng helmet kung malapit lang ang pupuntahan.
Sayang, walang paniket ‘yung traffic enforcer. Pinagsabihan na lang niya ‘yung rider.
Marami ring estudyanteng binatilyo ang nagmamaneho ng motorsiklo ng walang suot na helmet. Paano ko nasabing estudyante? Nakasuot ng uniporme.
Hindi daw nagsusuot ng helmet kasi magugulo ang buhok.
Ang masama ay parang wala ring lisensya ang estudyante (hula ko lang ito dahil parang 16-anyos lang siya o baka mali ako, siya ay baby face lang). At nag-angkas pa siya ng dalawang kaeskuwela na gaya niya ay wala ring suot na helmet. Bawal po ang tatlo sa motorsiklo.
***
Sana sitahin din ng mga traffic enforcer lahat ng mga pampasaherong jeepney na ginagawang terminal ang waiting shed sa Gen. Luna st., Guitnang Bayan.
Minsan kasi sinisita, minsan hindi.
Teka may nakapuna. bakit daw madalas may nahuhulog na barya sa kalsada? Napapagod tuloy si kuya sa kapupulot.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending