Nagluksa ang mga manonood sa pagkamatay ng karakter ni Zoren Legaspi bilang si Harold sa GMA Telebabad series na Sahaya.
Ilang Kapuso viewers ang nalungkot nang biglang patayin si Zoren sa serye. Bakit daw hindi na lang sina Snooky Serna bilang si Salida at Ana Roces as Irene ang pinatay sa Sahaya na siyang naghahasik ng kasamaan sa kuwento?
Na-sad sila para kay Sahaya (Bianca Umali) dahil ngayon nga lang nalaman ng dalaga na si Harold ang kanyang tatay pero namatay pa. Nalulungkot din sila para kay Manisan (Mylene Dizon) dahil puro problema na lang ang dumarating sa buhay nilang mag-ina.
At ngayong patay na nga ang kanyang tunay na tatay, paano ito tatanggapin ni Sahaya? Paano rin nila lalabanan si Irene na sumumpang gagawing impiyerno ang buhay nilang magnanay dahil sa pagkamatay ng asawang si Harold?
Tuluyan na nga kayang kamuhian ni Sahaya si Jordan (Migo Adecer), ang lalaking itinuring na tunay na kaibigan pero magiging kalaban na niya ngayon. At sa pagbabalik ni Ahmad (Miguel Tanfelix), matuloy na kaya ang inaasama niyang pagmamahal ni Sahaya?
May wish din ang Kapuso viewers sa production ng serye, sana raw matuto nang lumaban si Manisan at gantihan na niya nang bonggang-bongga sina Irene, Salida at lahat ng umapi sa kanila ni Sahaya. O, di ba, affected much talaga ang manonood!
Tutukan ang pagpapatuloy ng Sahaya sa GMA Telebabad after 24 Oras.