SB19 P-Pop boy group na nag-train sa Korea hataw na

SB19: Sejun, Stell, Josh, Ken at Justin

MAY ibubuga at malakas din ang dating ng first-ever all-Filipino group na hinasa nang bonggang-bongga sa South Korea, ang SB19.

Humarap at nagpasampol sa entertainment press sa kauna-unahang pagkakataon ang limang miyembro ng grupo sa ginanap na mediacon para sa kanilang bagong single, ang “Go Up”.

Managed by Korean entertainment company ShowBT Philippines sa pangunguna ni CEO Charles Kim at ShowBT Corporation founder and CEO Geong Seong Han, hataw kung hataw on stage sina Sejun, Stell, Josh, Ken at Justin na sumailalim talaga sa matinding training sa South Korea bago sila opisyal na ipinakilala sa publiko last year.

Ayon sa SB19, may impluwensiya siyempre ng K-Pop ang kanilang fashion style, dance moves at mga kanta, pero anila, mas gusto pa rin niyang ibandera sa buong universe ang P-Pop o Pinoy Pop. Nais nilang ipagmalaki ang kanilang talento sa iba’t ibang bahagi ng mundo dala ang bandera ng Pilipinas.

“Ang mga Pilipino sobrang talented po niyan sa lahat ng larangan. Magaling kumanta, magaling sumayaw, umakting. ‘Yun po ‘yung maipapakita namin sa ibang bansa.

“And at the same time, ‘yung ginagawa po namin ngayon, ito po ‘yung first time na makikita namin at papausuhin namin sing and dance. Dancing heartily and singing heartily at the same time. Kumbaga, maipapakita namin ‘yung talento ng Pilipino na all-around talaga tayo,” pahayag ng leader ng SB19 na si Sejun.

Dagdag pa niya, “At kung mauso man ito sa Pilipinas, kapag pumutok ‘yung ganitong genre dito sa atin, maipapakita rin natin sa ibang bansa hopefully na ganito ang Pilipino. Magagaling. Mahilig kumanta, mahilig sumayaw. Lahat. Kaya mag-rap. Everything.”

Very proud ding ibinalita ng grupo na sila rin ang nag-compose ng kanilang mga kanta, kabilang na ang “Go Up”, na tumatalakay sa iba’t ibang hira bago maabot ang pangarap. Na-release na rin ang music video nito na pinamahalaan ni JC Gellidon. Bago ito, naging hit din ang una nilang single na “Tilaluha”.

“Ngayon, we are trained by Koreans din po. Pero in the future po, gusto po talaga namin one hundred percent po fully kami na po ‘yung magpo-produce ng mga sarili naming kanta. From instrumentals to everything po. From lyrics to whatever.

“Pero ‘yung lyrics sa amin po talaga. ‘Yung instrumental lang po ‘yung kinuha namin ngayon. Kasi po since nasa Korea po kami, mas madali po talaga kumuha ng connections from our Korean friends po,” sabi naman ni Stell.

Chika naman ni Josh, “Kaya po ngayon po dun lang po kami kumukuha. ‘Yung lang po ‘yung chance namin kasi wala pa po kami connections sa Philippines masyado na mga producers. Pero in the future po na magkaroon kami ng chance makipag-collab or magkaroon po ng famous producers at bigyan po kami ng chance, we’d be more than happy po.”

Nakatrabaho na rin ng SB19 ang RealBros, the producer behind some of South Korea’s notable artists such as SHINee’s Taemin, TVXQ, JYJ’s Jaejoong, and Stray Kids, among others.

Maaari nang makakuha ng kopya ng “Tilaluha” at “Go Up” sa Spotify, Apple Music, Deezer, Amazon, Google PlayMusic at sa iba pang digital platforms. For inquiries, tawagan si Lendl Raiza Bunagan sa 0995-3922529 o mag-e-mail sa sb19.showbt@gmail.com..

Read more...