More Chinese workers banta sa PH working force

MORE and more Chinese workers are arriving in other key cities across the country aside from National Capital Region. At i-expect pa ninyo na mas marami pa ang darating sa mga susunod pang buwan para magtrabaho sa online casinos ng Philippine Offshore Gaming Operations.

Ayon sa nakausap natin na government official, sumisikip na ang Metro Manila for millennial Chinese workers working as online casino dealers dahilan kung bakit maraming POGO operators ang magtatayo ng operations sa Cebu, Bacolod, Dumaguete, Puerto Princesa, Davao, Cagayan de Oro and other key cities in the country.

Ginagawa pang come on ng POGO operators na ito sa mga Chinese millenials ang magtrabaho malapit sa mga beaches and resorts at malayo sa magulo at matraffic na Metro Manila.

Mahigpit kasi ang Chinese government sa lahat ng uri ng gambling online. Dahil sa yumayaman ang ekonomiya ng China, may perang pang sugal ang kanilang working force.

Kasama rin sa pang attract sa mga ito na magtrabaho sa mga probinsiya kung saan fresh ang mga pagkain, relaxing and carefree ang environment na siya namang gustong gusto ng mga batang manggagawa.

Mukhang nagugustuhan ng mga millenials na ito ang American-style setup at environment dito na libre ka to do anything and travel around with our type of free market and open democracy lalo na ang mag social media —mga bagay bagay na hindi nae-enjoy sa mainland China dahil mahigpit ang kanilang government.

Kung may legit na POGO workers, mayroon din namang mga illegally recruited at forced to work here dahil sa utang ng pamilya sa mainland China.

Dahil dito, asahan na ng mga nasa probinsiya ang dahan dahan na assimilation ng mga millennial workers na ito sa ating pang araw araw na kultura.

 

Read more...