Guanzon rumesbak kay Cardema: Bakit ako mangingikil sa taong mahirap?

BAKIT ako mangingikil sa isang mahirap?

Ito ang resbak ni Election Commissioner Rowena Guanzon matapos ang alegasyon ni Ronald Cardema na nagtangka umano siyang mangikil ng P2 milyon mula sa Duterte Youth party-list group na sinabi ng huli na kanyang nirerepresenta,

“Why would I ask him for P2 million when I know he’s poor? I mean, he looks poor, I think he’s poor,” sabi ni Guanzon sa isang panayam sa ANC.

“I’m just saying as the matter of fact that I think he is poorer than me. I think I have more money than him, that’s what I mean,” ayon pa kay Guanzon.

Nagbanta naman si Cardema na magsasampa siya ng impeachment laban kay Guanzon.

Read more...