MAY pakiusap ang kontrobersyal na Kapamilya actor na si Gerald Anderson sa lahat ng Pinoy na gumagamit ng social media.
Ito’y konektado sa balitang may banta umano ng terorismo sa ilang bahagi ng Pilipinas na siyang binabantayan ngayon ng pamunuan ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines, isama pa ang Department of National Defense.
Bilang isang Army reservist, ibinandera ni Gerald ang kanyang panawagan sa lahat ng gumagamit ng social media sa tamang pagpapalaganap ng balita para sa kaligtasan at proteksyon ng lahat.
Sa kanyang Instagram post, ipinaalala ng binata ang responsibilidad ng lahat para maiwasan ang pagkalat ng mga maling balita o fake news, lalo na kung nakasalalay dito ang kaligtasan ng nakararami.
“Very honored to be able to go home (to General Santos) and bring awareness about peace and terrorism issues… terrorist recruitment of our youth through social media… be careful of false information.
“Dapat lagi tayo mag-research bago mag-decide on what to believe. Civilians, celebrities, news channels, let’s be responsible on what we take and put on social media and other media accounts. We have to stay united as a country,” ani Gerald sa kanyang IG post.
Isa si Gerald sa mga kilalang celebrity na aktibong tumutulong ngayon sa mga proyekto ng Philippine Army.