Babae patay matapos masagasaan ng tren ng PNR


PATAY ang isang babae matapos masagasaan ng tren ng Philippine National Railways (PNR) sa Caloocan City Linggo ng hapon, ayon sa pulisya.

Sinabi ng Caloocan City Police na naglalakad ang babae malapit sa riles sa Barangay 33 nang mahagip ng tren na nanggaling sa PNR Tutuban Station ganap na alas-5:50 Linggo ng hapon.

Tumilapon pa ang biktima ng maraming metro mula sa riles at napunta sa kalapit na basketball court, ayon sa pulisya.
Dinala ang biktima sa Caloocan City Medical Center bagamat idineklarang dead on arrival.

 

Read more...