PhilHealth pwede sa Taguig, pwede sa Batanes

Dear Aksyon Line,
Isa po akong empleyado dito sa Taguig at bago lang po akong member ng PhilHealth. Nais ko po sanang malaman kung sinu-sino ang puwede ko pong maging immediate beneficiary? Gusto po kasing ipaopera ang katarata ang tatay ko sa aming probinsiya sa Batanes.
Puwede ko po bang magamit ang aking PhilHealth para sa kanya at kahit na po ba nasa probinsiya pa siya? Marami pong salamat.

Remy

REPLY: Bb. Remy,
Isang maalab na pagbati mula sa PhilHealth!
Nais po naming ipabatid sa inyo na ang mga kwalipikadong dependents ng isang miyembro ng PhilHealth ay ang mga sumusunod:
Legal na asawa na hindi miyembro ng PhilHealth
Mga anak na mababa sa 21 taong gulang
Mga anak na edad 21 pataas ngunit may kapansanan (congenital physical or mental disability)
Mga magulang ng miyembro 60 taong gulang pataas at hindi miyembro ng PhilHealth

Kung qualified gaya ng nabanggit sa itaas, maaari po ninyong ma-gamit ang inyong PhilHealth sa pagpapaopera ng kaniyang katarata na sa kasalukuyan ay bi-nabayaran ng P16,000 kada mata.

Magagamit po ninyo ang inyong PhilHealth kahit na nasa Batanes ang pasyente.
Tiyakin po lamang na accredited ang ospital at doktor na titingin sa kanya.
Bukod diyan ay tiyakin din po ninyo na regular ang paghuhulog ng inyong kontribusyon sa PhilHealth upang hindi magkasuliranin sa paga-avail ng benepisyo.
Nawa ay nabigyang linaw namin ang inyong katanungan.
Para sa karagdagang impormasyon ay tumawag sa 441-7442 o magsadya sa malapit na tanggapan ng PhilHealth sa inyong lugar.

Lubos na gumagalang,
(Sgd)DR. ISRAEL FRANCIS A. PARGAS
Senior Manager, Corporate Communication Department
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag-
lingkuran sa abot ng
aming makakaya. Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City. Maaari rin kayong mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jbilog@bandera.ph. Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!

Read more...