NATIONAL Lung Month ang buwan ang Agosto at layon nitong ma-promote ang pangangalaga at kalusugan ng mga baga ng bawat Pinoy.
Narito ang ilang paalala para mapalakas at mapangalagaan ang iyong baga.
— Itigil na ang pagyoyosi o paninigarilyo. Ito kasi ang pangunahing sanhi ng pagkasira ng iyong mga baga.
— Umiwas sa usok ng yosi o sigarilyo. Kasama na rito ang pag-iwas sa mga kasama sa bahay na nagyoyosi dahil makukuha mo rin ang masamang epekto sa paglanghap ng usok nito.
— Umiwas sa usok ng mga sasakyan pati na PUVs.
— Kung magmo-motorsiklo, huwag kalimutang magsuot ng helmet at face mask.
— Mag-ingat sa posibleng peligro sa iyong trabaho. Kung ikaw ay pintor ha-limbawa mag-ingat sa amoy ng pintura.
— Kapag may allergy, umiwas sa mga pagkain na nagdudulot ng allergy sa iyo.
— Siguruhing malinis ang iyong kuwarto at malinis ang daloy ng hangin dito.
— Palakasin ang mga muscle ng i-yong dibdib. Mag-exercise gamit ang 1 o 2 kilong dumbbell sa bawat kamay para mapalakas ang mga muscle sa iyong balikat, leeg at dibdib.
— Kumain ng mga masustansyang pagkain gaya ng gulay, isda at prutas.