Ruru sa dyowang mystery girl: Ang babaeng ito ay mahal na mahal ko

HANGGA’T maaari ay ayaw na munang gawing “for public consumption” ng Kapuso hunk na si Ruru Madrid ang kanyang lovelife.

Hindi pa diretsahang umaamin si Ruru tungkol sa tunay na relasyon nila ng kapwa Kapuso na si Bianca Umali pero ang paniwala ng kanilang mga fans, malalim at seryosohan na ang kanilang pagtitinginan.

Pagdating daw sa love, ibalato na lang muna ito sa kanya dahil mas gusto niyang tahimik lang para walang masyadong intriga. Pero inamin niya na totoong inspired at in love siya.

“Gusto ko pong sabihin sa mga tao na itong babaeng ito ay mahal ko. Kaya lang, ang nagiging problema po kasi ay masyado na po kasi siyang nagiging public property.

“I mean, bawat kilos ninyo, pag nag-aaway kayo, alam na alam na ng mga tao, o kung saan kayo magpunta.

“Feeling ko po, iyong mga ganoon pong bagay, dapat po, pinepersonal po iyon,” lahad ng singer-actor nang makachikahan ng ilang members ng entertainment media sa launching ng kanyang bagong hugot song, ang “Nawawala”.

Aniya pa, hindi sa itinatago niya ang kanyang girlfriend, “Dapat, hindi masyadong, iyong hindi kayo hawak ng maraming tao. Kasi minsan, iyon din ang nagku-cause ng away, e.

“Kumbaga, iyong mga ganu’ng kasing bagay is personal masyado. Mas mag-e-enjoy kayo pag kayong dalawa lang,” paliwanag pa ni Ruru.

Happy ang lovelife at bongga rin ang career ni Ruru ngayon at feeling blessed din siya dahil finally ay na-release na ang bago niyang single under GMA Music.

Kuwento ng binata, 20 mi-nutes lang niya na-record ang kanta dahil nakaka-relate siya sa message nito bukod pa sa nakaka-LSS, “Itong ‘Nawawala’ ay saktung-sakto dahil maraming hugot.”

Ito’y isinulat nina Kettle Mata, Roger Alcantara at Enzo Villegas, “The first time na binigay nila sa akin ito, nagulat ako talaga. Ang ganda at damang-dama. Everytime na may ginagawa tayo sa buhay natin, i-aapply natin ‘yung mga natutunan natin sa past.”

Hindi na baguhan sa mundo ng musika si Ruru dahil nakapag-record na siya ng mga kantang “Let the Love Begin,” ang theme song mula sa GMA primetime series na may parehong titulo at “Sa Yakap Mo” na theme song naman ng drama series na Sherlock Jr., kung saan ka-duet niya ang Kapuso actress na si Gabbi Garcia.

Mapapanood na rin ang music video ng “Nawawala” na idinirek ni Miggy Tanchanco kung saan tampok din ang Kapuso star na si Kelley Day. Panoorin ito sa social media pages ng GMA Music at pakinggan sa Spotify, Apple Music at digital streaming platforms worldwide.

q q q

Simula ngayong Lunes, ?Aug. 19, mas pinatindi at mas pinalakas ang GMA TeleBabad sa pinakabagong line up ng mga programa sa primetime.

Pagkatapos ng 24 Oras, tunghayan ang epic seryeng Sahaya na pinagbibidahan nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix.

Susundan ito ng well-loved series na Love You Two tampok ang mga favorite n’yong sina Raffy (Jennylyn Mercado) at Jake (Gabby Concepcion) na nagpapakilig sa Kapuso viewers gabi-gabi.

At huwag palalampasin ang mas umiigting pang mga kaganapan sa The Better Woman. Ano na ang mangyayari sa relasyon ng mag-asawang Jasmine (Andrea Torres) at Andrew (Derek Ramsay) ngayong nagdadalantao na ang kakamabal ni Jasmine na si Juliet? Tutok lang sa GMA TeleBabad simula sa Sahaya, Love You Two at The Better Woman

Read more...