Rex Tiri mas na-inspire pang mag-produce dahil EDDYS award


WALA pang palya ang baguhang si Vance Larena na magkaroon ng movie sa yearly event ng Film Development Council of the Philippines, ang Pista ng Pelikulang Pilipino.

Sa ikatlong taon ng PPP may pelikulang muli si Vance na pinagbibidahan nina Arci Muñoz at JC Santos mula sa T-Rex Entertainment, ang “Open” directed by Andoy Ranay.

Binansagan tuloy namin si Vance bilang PPP Prince, “Si JC din po laging may pelikula sa PPP,” ngiti niya.

E, ‘di ka-level na niya si JC, biro pa namin kay Vance. “Hindi naman po. Malayo po ako kay JC. Idol ko po si JC Santos.”

Say namin kay Vance, basta para sa amin siya ang PPP Prince, “Prince?! Ha-haha! Si JC ang king, ako ang prince. Pwede,” pag-agree naman niya. Ang dalawang naunang pelikula ni Vance na nakapasok sa PPP ay ang “Bar Boys” at “Bakwit Boys.”

“Ang ‘Open’ po ay tungkol sa 14 years po na magkarelas-yon at nag-decide po sila na mag-venture into an open relationship. Kasi nga, ayun na lang ata ang hindi nila nagagawa. Tapos doon po iikot ang istorya.

At makikita natin kung magiging maganda ba o magiging pangit ‘yung resulta nu’ng pagkakaroon nila ng open relationship,” lahad ni Vance.

Best friend ni JC ang role ni Vance sa “Open.” Medyo bastos magsalita pero mapagmahal daw ang karakter niya sa movie.

“Meron po akong karelasyon doon. Si Ivana Alawi ng Mea Culpa (Sino ang Maysala?). Kami po ‘yung magkasintahan doon at ang klase kasi ng relasyon namin, ‘yun po actually ‘yung makakaimpluwensya sa magiging klase ng relasyon nina Arci at ni JC sa pelikula,” kwento ni Vance.

Grateful din si Vince sa huling PPP movie niya na “Bakwit Boys” na pinrodyus din ni Rex Tiri for his T-Rex Entertainment. Pagkatapos daw kasi ng “Bakwit Boys” ay nagkasunud-sunod na ang projects niya sa TV at pelikula.

Speaking of Rex Tiri, napili ang T-Rex Entertainment ng entertainment editors group na SPEEd to receive the recognition as Rising Producer Circle Awardee sa kanilang 3rd EDDYS Choice.

And so we congratulated and asked Sir Rex sa karangalang natanggap niya sa The EDDYS over dinner with some of our friends sa showbiz sa kanyang Limbaga77 restaurant sa Sct. Limbaga, near Tomas Morato, Quezon City.

“Considering that T-Rex Entertainment is relatively new, sobrang honored ako to be re-cognized as Rising Producer Circle Awardee, alongside Spring Films nina Piolo Pascual, Direk Joyce Bernal and Erickson Raymundo. This recognition from EDDYS would definitely inspire us at T-Rex to continue making productions that matter!” aniya sa amin.

After “Open,” ang dami-dami pang susunod na pelikula ang T-Rex. We’ll give you updates ‘pag malapit na silang ipalabas. But for now, we re-commended not to miss sa mga sinehan ang “Open” nina Arci at JC next month.

Read more...