Kita ng pelikula nina Kathryn at Alden, aabot na sa P1B; Maine hindi nape-pressure

IN a recent interview, sinabi ni Maine Mendoza na hindi siya pressured na pantayan kundi man lampasan ang kinita sa ta-kilya ng pelikula ng kanyang other half (ng AlDub) na si Alden Richards.

Baka by now ay running almost a billion pesos na ang domestic gross pa lang nito including its global screenings.

Like Alden, Maine has crossed over via a film na hindi kapwa Kapuso ang leading man who happens to be Carlo Aquino.

Categorically, sinabi ni Maine that making money at the tills doesn’t concern her at all. Hindi naman daw kasi siya ang namumuhunan.

What concerns her the most ay mapaganda ang pelikula para masiyahan ang mga manonood.

While Maine may not be the investor, alalahanin niya na kung floppey ang nilabasan niyang pelikula ay magdadalawang-isip na ang sinumang producer na offer-an siya ng assignment for lack of bankability.

Read more...