Julia: Mamahalin ko si Joshua hanggang mamatay ako

JOSHUA GARCIA AT JULIA BARRETTO

Inamin ni Julia Barretto na mahal pa rin niya si Joshua Garcia kahit hiwalay na sila.

Sa interview ng ABS-CBN sa backstage ng ASAP Natin ‘To Bay Area sa San Francisco, California, sinabi ng controversial actress na hinding-hindi niya makakalimutan si Joshua habang nabubuhay siya.

Viral na ngayon ang nasabing panayam matapos ma-post sa Twitter. Magkakaiba ang comments ng netizens sa mga naging pahayag ni Julia.

Sey ng dalaga, “I love Joshua. I love that guy. I will love that guy until my last breath.”

Nang tanungin kung bakit niya nasabi ito sa kanyang ex-girlfriend, sagot ni Julia, “Very supportive and very understanding of so many things, and the guy knows me really well.

“So whatever happens in life, the guy knows me really well. He knows my heart,” aniya pa.

Read more...