Alden rarampa sa fashion show ni Avel Bacudio; kikitain mapupunta sa mga bulag

ALDEN RICHARDS

PUWEDE nang ma-achieve ang Alden Richards look dahil available na ang jackets at tracksuits na siyang resulta ng collaboration nila ni Avel Bacudio.

May pasilip si Alden sa kanyang Instagram account ng video shoot na ginawa nila ng sikat na Pinoy designer sa New York City kung saan makikita nga ang mga fashionable jacket.

Sa huling pag-uusap namin ni Avel, dahil birthday niya this month, magkakaroon siya ng sneak preview cum fashion show ng collaboration nila ni Alden at bahagi ng proceeds nito ay ilalaan para sa pagtulong sa mga batang may kapansanan sa paningin.

Aba, sakto ang project nila dahil sa bagong Kapuso series ni Alden na The Gift, may kapansanan din sa mata ang character niya, huh!

Read more...