Heart matindi ang naranasang pambu-bully sa school: Sa CR ako kumakain…

UMABOT sa pagkukulong sa comfort room ng school si Heart Evangelista para lang iwasan ang mga nambu-bully sa kanya.

Ito ang inamin ng Kapuso actress nang kanyang balikan ang mga naging experience niya bilang biktima ng bullying noong high school.

Sa vlog ng internet sensation na si Mimiyuuuh, sinabi ng misis ni Chiz Escudero na ito rin ang dahilan kung bakit nagdesisyon siya na mag-home school na lang.

“Yes, kaya rin ako nag-stop. Nag-home study ako kasi hindi ko na kayang kumain sa CR. Oo, kumakain ako sa CR para hindi nila ako mapansin,” pahayag ni Heart.

 “Siguro kasi hindi nila ako bet, lalo na ‘yung mga higher batch,” dagdag pa niya.

Nabalitaan din daw niya mula sa ilan niyang classmates na, “Inuutusan ng magagandang girls ‘yung classmates ko na huwag didikit sa akin, ganyan.”

Sabi naman ng kanyang mga kasama sa nasabing vlog baka raw insecure at inggit lang sa kanya ang mga bully sa kanilang school. Sagot ni Heart, “Di naman siguro…charot! Hindi ko talaga alam!”

Kamakailan, inamin din ng StarStruck judge na marami siyang karanasan sa mga bully sa school, pero hindi niya pinapatulan o ginagantihan ang mga ito.

At noong 2018, ipinost pa niya ang screenshot ng mensaheng natanggap niya mula sa isang taong nam-bully sa kanya noon. Humingi ito ng tawad sa kanya at sinabing alam niya na malaki ang kasalanan niya sa aktres

Read more...