Pwede bang scholar ng DOST?

MAGANDANG araw po sa bumubuo ng inyong pahayagan. Palagi po akong nakasubaybay sa inyong pahayagan. Ako po ay pangalawa sa aming magkakapatid pero may asawa na po ang pa-nganay namin na kapatid.
Ang bunso naming kapatid ay matalino dahil laging may honor tuwing recognition o graduation. Gusto ko po sanang tulu-ngan ang kapatid ko na matupad ang kanyang pangarap.
Sa ngayon ay nag aaral siya rito sa amin sa University of Pangasinan, at first year student pero dahil matanda at may sakit na rin ang aking ama ay nahihirapan akong tustusan na mag isa ang kanyang pag -aaral. Nagtanong siya sa akin kung pwede daw po siya ma-ging scholar ng Department of Science and Technology.
Kaya gusto kong itanong kung may pa-
scholarship sa DOST at ano po ang mga requirements.
Sana ay matulungan ako ng DOST sa aking katanungan. Salamat po.
Reggie Parasas
Brgy Maninding
Sta. Barbara,
Pangsinan

REPLY: Bago pa man kumuha ng eksaminasyon. May mga requirements na kinakailangang kumpletuhin.

Narito ang ilang requirements:

You must be natural born Filipino citizen.

The applicant economic status should not exceed the set values for DOST scholarship.

The student should:
be one of the top 5% of their regular class.
be one of the members of DOST-SEI or one of the students in DepEd Science High School
The applicant should be residing in the municipality for four (4) years.
Your health and moral characters are in good status.
The applicant is one of the qualifiers in the Science and Technology Scholarship Examination.

Narito naman ang disqualified para sa scholarship:

You had an examination with DOST-SEI Scholarship before.
You applied in the USA or foreign countries for immigrant status.
If you earned units in an undergraduate or post-secondary post.

Para maging scholar, ang aplikante ay dapat na nag -aaral na sa state universities and colleges gayundin sa anumang network institution na kinikilala ng DOST-SEI, at Centers of Excellence Centers of Development ng CHED identified tertiary institutions

Ngunit kinakailangang makapasa sa entrance examination sa institusyon o unibersidad kung saan nag-apply.

Dr. Josette Biyo
Head, Science
Education Institute
DOST

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?
Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer
Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Read more...