Grade 11 stude dakip sa rape

NAARESTO ang isang grade 11 student na inireklamo para sa diumano’y paghalay sa isang nakababatang estudyante, nang magsagawa ng operasyon ang pulisya sa Pila, Laguna, Huwebes ng hapon.

Nadakip si Jimwell De Leon, 18, sa entrapment na isinagawa sa isang resort sa Brgy. Sta Clara Norte dakong alas-4:30, ayon sa ulat ng Calabarzon regional police.

Inilunsad ang operasyon bunsod ng reklamo ng isang 13-anyos, na diumano’y paulit-ulit na hinalay ng suspek, na nagsisilbi bilang kanyang coach sa volleyball, ayon naman sa Laguna provincial police.

Nang madakip ay nakuhaan pa si De Leon ng apat na sachet ng hinihinalang shabu.

Nakatakdang sampahan ang suspek ng mga kasong rape, child abuse, at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Law, ayon sa pulisya.

Read more...