Fil-Chinese nahulihan ng P1.4M halaga ng ecstasy

ARESTADO ang isang Filipino-Chinese na nahulihan umano ng 1.4 milyong halaga ng ecstasy sa Quezon City kagabi.

Nahuli ng Philippine Drug Enforcement Agency- National Capital Region at Eastwood Police Station sa buybust operation si Arnold Immanuel Dy, 22, ng Legrand Tower 1 Eastwood City, Brgy. Bagumbayan.

Isang buy-bust operation ang inilungsad laban sa suspek alas-9:40 ng umaga sa Family Mart Global Tower 1, Eastwood City, Brgy. Bagumbayan.

Nag magpositibo ang transaksyon ay inaresto na ang suspek na nakuhanan ng 465 piraso ng ecstasy tablets.

Read more...