NAGSASAGAWA ng preliminary investigation at administrative adjudication ang Ombudsman laban kay Public Attorney’s Office chief Persida Acosta at Dr. Erwin Erfe, hepe ng Forensic Laboratory ng PAO kaugnay ng reklamong korupsyon sa mga ito.
“The corruption allegations against the high-ranking PAO officials will be judiciously scrutinized and the cases shall be resolved solely on the basis of the evidence presented by the parties,” ani Ombudsman Samuel Martires sa isang pahayag.
Tinitignan ng Ombudsman kung mayroong sapat na batayan ang pagsasampa ng kaso sa dalawa batay sa reklamong inihain ni Wilfredo Garrido, Jr., noong Abril 11.
Ayon sa Ombudsman kinabukasan ay nagpalabas ito ng utos ay panasagot ang dalawa.
Ang dalawa ay inireklamo ng paglabag sa graft law, Falsification by Public Officer, Malversation, Illegal Use of Public Funds or Property, Grave Misconduct, Serious Dishonesty, Grave Abuse of Authority at Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service.
Naghain sina Acosta at Erfe ng Consolidated Counter-affidavit noong Abril 30.
At noong Abril 29 ay naghain si Garrido ng mosyon upang suspendihin ang dalawa at noong Mayo 2 ay naghain ng komento ang mga inaakusahan.
Pinagsumite ng Ombudsman ng kani-kanilang position paper ang mga partido sa reklamo.
Ang reklamo ay kaugnay ng reklamo ng mga abugado umano sa PAO sa paggamit umano ni Acosta sa kaso ng Dengvaxia para mag-overstock ng office supplies kahit labag na ito sa pamantayan ng gobyerno.
Pinuna rin ito ng Commission on Audit sa kanilang 2018 audit report.