Para sa may kaarawan ngayon: Habang bumibilog ang buwan ay maraming biglaang suwerte ang darating. Imbes na mag-concentrate sa aspetong pang-damdamin, na ikalulungkot mo lang sa dakong huli, mag-concentrate sa mga bagay na pagkakaperahan. Mapalad ang 6, 15, 27, 33, 42 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Egosum-Obre-Om.” Red ang pink ay buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)— Magbubunga na ang iyong mga pagsisikap! Magiging paborable sa iyo ang pagdating ng zodiac sign na Leo, ituloy mo ang lahat ng iyong binabalak. Kasado na ang tagumpay, may masarap na bonus pang romansa. Mapalad ang 9, 14, 23, 32, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-We.” Magenta at silver ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)— Iwasang gastusin ang pera sa mga bagay na madali namang malaos at maluma. Upang umunlad, umpisahan ng magtipid. Sa pag-ibig, hindi lamang materyal na bagay ang nagpapaligaya kundi pati ang lambing at himas. Mapalad ang 3, 12, 21, 30, 47 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Kubera-Mayabeeja-Om.” Lilac at blue ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)— Wag kang magpaimpluwensiya sa sinasabi ng iba. Ituloy lang nang ituloy ang iyong ginagawa, hanggang sa yumaman. Sa pag-ibig, tuloy ang masarap na pakikipagrelasyon sa isang romantikong Libra. Mapalad ang 3, 12, 23, 27, 31, at 43. Mahgiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra.” Beige at silver ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)— Hindi dapat panghinaan ng loob. Upang umunlad magpatulong ka sa isang kaibigang Virgo. Sa pag-ibig, sa isang kaibigang Virgo mo rin matatagpuan ang true love. Mapalad ang 2, 16, 25, 33, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Rama-Om-Agara.” Blue at maroon ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)— Iniisip mo na naman ang nalalapit mong kaarawan? Wag nang maghanda ng kung ano-ano, simpleng birthday na lang ang dapat. Mag-picnic kayo ng kasuyo sa bukid. Sa ganyang paraan, nakatipid ka na lalo pang naging sweet ang relasyon. Mapalad ang 7, 19, 25, 34, 43, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Jana-Kaliyuga-Om.” Pink at yellow ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)— Tama na ang pag-aaksaya ng oras sa pakikipagdaldalan. Wag nang magsalita, kumilos na lang upang mas madaling umunlad. Sa pag-ibig, naiinip na ang kasuyo sa mga pangako mong hindi naman natutupad. Mapalad ang 5, 17, 23, 32, 41 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Malka-Om.” Silver at Violet ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)— Simulan ang araw na puno ng pag-ibig at pagmamahal ang iyong puso. Kusang sinusuwerte ang mga Libra sa panahon sila ay “in love”. Buhayin ang pakikipagrelasyon sa isang Virgo. Mapalad ang 3, 18, 25, 34, 43, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Krisna-Om-Mandala.” Lilac at green ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)— Kakampi mo ang bumibilog na buwan sa langit kung kaya naman, kahit na may mga problema ay biglang may darating na suwerte. Sa pag-ibig, muling iinit ang nanlamig na relasyon. Sa pinansyal, kusang darami ang salapi. Mapalad ang 4, 8, 17, 26, 34, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Jhana-Gasmin-Nama-Om.” Red at yellow ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)— Kapag may problema, isiping ang lahat ay lilipas din. Makakalimutan mo rin ang mapait na sinapit sa maling karelasyon. Sa pinansyal, ang kawalan ng salapi sa ngayon ay nagbabadya ng kasaganaan sa araw ng bukas. Mapalad ang 7, 9, 27, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Om.” Red at beige ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)— Tama ang iyong ginagawa. Hindi na uso ngayon ang nagbabait-baitan! Kailangan ipaglaban ang iyong paniniwala upang umunlad ka. Sa pag-ibig, hanggang hindi ka kumikibo, patuloy ka lang nilang aapihin. Mapalad ang 1, 10, 19, 28, 34, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Agiel-Aum-Yophiel.” Green at pink ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)— Wag kang magkulong ng bahay. Panahon na upang sumikat! Makilahok sa mga gawaing may kaugnayan sa politika upang sumikat ka at makikilala. Sa pag-ibig, sa pakikihalubilo sa lipunan matatagpuan ang true love. Mapalad ang 1, 14, 19, 28, 35, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Kedemel-Aum-Hagiel.” Yellow at orange ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Kung hindi ka magbabago ng kilos, malabo kang umunlad. Sa pinansyal, kailangang umalis ka sa sinilangang bayan upang yumaman. Sa pag-ibig, sa malayong lugar matatagpuan ang true love. Mapalad ang 2, 11, 20, 29, 34, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Yara-Salve-Me-Om.” Pink at white ang buenas.
Horoscope July 24, 2013
READ NEXT
Parable of the Sower
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...