Gerald, Nash, Jerome, Elmo, Yves buwis-buhay ang military training; May 1 tumakas

GERALD ANDERSON, NASH AGUAS, JEROME PONCE AT ELMO MAGALONA

MATINDI at talagang buwis-buhay ang pinagdaanan ng mga Kapamilya stars na sina Gerald Anderson, Nash Aguas, Jerome Ponce, Yves Flores at Elmo Magalona sa tatlong araw na military training.

Boluntaryong sumailalim sa 3-day Soldier Skills Orientation Training sa Camp Tecson sa Bulacan last week na sumubok hindi lang sa kanilang pisikal na lakas pati na rin ang mental at emosyonal na kakayanan.

Ayon kay Gerald na siyang tumayong Team’s Company Commander, “We knew if we graduated, we would have the privilege of being in the Philippine army reservist. Alam naming after nito this would also help us portray Philippine Scout Ranger sa bago naming TV series na A Soldiers Heart.”

Ayon pa kay Gerald, napakala-king tulong ng training para kahit paano’y makapag-move on siya mula sa kinasangkutang kontrobersya after ng break-up nila ni Bea Alonzo, “Just like anybody else, kapag may challenge na dara-ting sa buhay mo, laging may natututunan tayo. Ang importante doon is we learn something from all of this.”

Isang video naman mula sa Marawi siege ang nagtulak kay Nash upang subukan ang training kahit siya ang pinakabata sa grupo nila, “Parang World War II sa Marawi habang nandito kami sa Manila clueless of what was really happening in our country. Isa ‘yun sa mga na-ging motivation. Sa maliit na paraan maipakita ko yung suporta at pagmamahal sa bansa natin.”

Ang pagiging bahagi ng ganitong klaseng training ay nagbigay sa kanila ng maraming realisasyon sa totoong buhay. At para kay Yves isa itong karangalan.

Kinilala naman ni Jerome ang mga hirap na dinaranas ng mga sundalo sa araw-araw, “Ang mga army, soldiers, rangers ang real heroes kasi wala tayong alam how they live everyday mula sa training hanggang sa battlefield.. all they want is to make our country free and safe.”

Sumailalim sila sa iba’t ibang lectures, drills at simulations para maranasan ang buhay ng isang sundalo.

“They showed us na kailangan mong mapagdaanan ito bago mo mapatunayan na gagawin mo ang lahat, mapagtanggol lang ang iyong bansa. Ang pinakamahirap at pinakamemorable sa training para sa akin, ay yung pangatlong araw namin sa camp. Yung pagakyat namin ng bundok daladala ang bandolier, rucksack at mga baril namin,” lahad ni Elmo.

Dagdag pa ng binata, “We performed a simulation at doon ko naramdaman yung totality ng training namin, lahat ng tinuro, you have to make sure to apply all of them because you and your squad will go down if you don’t.”

Naging matapang man sa mga pinagdaanan, nagkaroon din sila ng pagdadalawang-isip habang sumasailalim sa matitinding challenges.

“Ilang beses ko na gusto mag-quit to the point na tumakas ako nu’ng first night para lang makatulog at makatawag na gusto ko na umuwi kasi feeling ko hindi ko kaya dahil unang-una di naman ako physically active na mahilig mag-gym or tumakbo,” kwento ni Nash.

Ngunit na-realize niya na ang training na ibinigay sa kanila ay hindi lang para sa pisikal na kakayanan kundi pati na rin sa kanilang mentalidad.

“Sabi nga nila sa akin ‘positive thinking’ seeing the good side in every shitty (minsan literal) situation you are in. Yung training tatanggalin nila lahat ng civilian ways mo pride, kaartehan, ego etc. tapos ibi-build ka ulit to be a better person,” dagdag ni Nash.

At ang ending, pagkatapos ng pinagdaanang hirap at sakripisyo napagtagumpayan nila ang training na nagbigay din ng bagong perspektibo sa buhay nila bilang Pilipino.

Read more...