Yam kumasa sa hamon ni Direk Yam: bibida na sa horror movie

YAM LARANAS AT YAM CONCEPCION

“Late October pa ang showing,” sagot sa amin ni Direk Yam Laranas nang tanungin namin kung kailan ang showing ng horror movie niyang “The Dead Rise in Morgue: Night Shift” na pagbibidahan ni Yam Concepcion.

Hindi lang malinaw sa amin kung sa sinehan o Netflix ito ipalalabas kasi may nagtsika sa amin noong sinu-shoot pa ang “Night Shift” ay para ito sa bagong platform.

Hindi rin kasi sinagot ni direk Yam kung sa sinehan ba ito ipalalabas o sa mga digital platform.

Anyway, madaling na-tapos ni direk Yam ang pelikula dahil wala siyang naging problema kay Yam kahit unang beses pa lang itong gumawa ng horror film. Matatakutin kasi ang aktres pero sa kabila nito, ginawa pa rin niya ang pelikula para raw ma-challenge siya at ma-overcome ang takot.

Napanood namin ang teaser ng “Night Shift” kung saan gagampanan ni Yam ang karakter ng isang nurse na naka-assign sa morgue at nakakatakot na ito para sa amin dahil hindi naman kami mahilig sa horror.

Mas nakakapagkomento kami kung romantic-comedy, action, drama at comedy films ang pelikula kaysa sa horror film.

Ang “Night Shift” ay mula sa Aliud Entertainment at Viva Films.

Read more...