AKALA namin ay super loyal sa kanyang girlfriend na aktres ang premyadong aktor dahil nu’ng ilarawan niya ang dalaga ay sa kanya lang umiikot ang mundo nito.
Sinabi rin nitong suwerte sa buhay niya ang aktres dahil marami siyang projects ngayon at promise pa niya ay aalagaan ang dalaga habang nabubuhay siya.
“My wife” na nga ang tawag ng premyadong aktor sa kanyang actress girlfriend at sa katunayan ay pinaghahandaan na nito ang pangarap nilang kasal.
Naghihintay na lang daw siya ng tamang panahon para sa kanyang proposal. Nai-imagine na rin daw niya ang kanyang future kasama ang female star.
Nu’ng nalaman nga ito ng mga nakakakilala sa award-winning actor ay iisa lang ang kanilang tanong,
“May bahay na ba siya? Saan niya ititira ang wifey niya? Tapos ang gusto pa bonggang kasal?”
Anyway, kaya namin nasabing hindi pala super loyal ang premyadong aktor sa kanyang aktres na GF ay dahil nahuli siyang may ibang kasamang female celebrity din sa isang showbiz event.
Ang malas ng aktor dahil nataon na ang mga taong nasa event ay kaibigan ng girlfriend niya. Hindi niya namalayan na binabantayan pala siya ng tingin ng mga friends ng aktres habang masayang katsika ang kasama niyang female celebrity.
Wala sa event ang actress girlfriend kaya siguro feeling ng premyadong aktor ay lusot na siya.
Umalis daw ang aktres at nagbilang naman ng ilang minuto ang magaling na aktor saka lumisan din, e, makukulit pala ang mga kaibigan ng GF niya, sinundan ang boyfriend – bingo!
Kasama nga niya ang aktres at mukhang sweet na sweet na nag-uusap.
Hindi na binantayan ng mga kaibigan kung ano ang ginawa ng premyadong aktor at ng aktres dahil sila lang ang tao sa sasakyan na tila umuuga-uga pa kaya hagikgikan ang malilisyosong friends ng actress-girlfriend.
Kaya kapag may lumabas na balitang break na ang premyadong aktor at ang kanyang girlfriend na aktres, alam mo na bossing Ervin ang dahilan. (Alam na alam ko na ‘yan Regs! Mukhang magaling ngang dumiskarte ang award-winning actor. Kawawa naman ang dyowa niya. – Ed)