Horoscope, 16, 2019

Para sa may kaarawan ngayon: Habang patuloy na lumalapit ang panahon ng zodiac sign na Virgo tuloy din ang pag-angat at paglago ng kabuhayan. Sa pag-ibig, wag pang hinaan ng loob, gawin agad ang magagandang binabalak upang mapaligaya ang minamahal. Mapalad ang 4, 19, 27, 35, 44, at 49. Maghiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Yoan-Govinda”. Yellow at green ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Upang kumita ng malaking halaga, imbis na maghinala, ibigay ang pagtitiwala sa iyong kliyente. Sa pag-ibig, hanggat binibigyan mo ng sapat na panahon at patuloy kang nagpapaubayan sa kanya, hinding-hindi ka magagawang iwan at lokohin ng iyong kasuyo. Mapalad ang 3, 6, 15, 25, 34, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Om-Pad-Me-Om.” Blue at lilac ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Matutong makuntento upang lumigaya, hindi dapat hangarin ang mga bagay na wala sa iyo sa halip pagkasyahin ang nasasa iyo na at laging matutong magpasalamat sa mga biyayang natatanggap. Sa pag-ibig, kaysa mag hanap ng iba, piliting painitin ang kasuyong nanlalamig. Mapalad ang 9, 7, 18, 26 34 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Dhar-Masya-Sava-Tasya.” Green at red ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Mas madaling uunlad kung sa iisang direksyon lamang itutuon ang isipan at ang direksyong ito ay wala ng iba kundi ang mga gawaing may kaugnayan sa pagkakaperahan. Sa pag-ibig, isipin mo kung paano matuturuang magnegosyo ang iyong kasuyo upang mas mabilis kayong umsenso. Mapalad ang 7, 18, 29, 34, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Kirata-Pulkasa-Om.” White at blue ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Malulutas ang problema kung hihingi ng suwestyon sa isang kaibigan. Isang Scorpio ang makakatulong upang maabsuwelto sa mga pagkakautang. Sa pag-ibig, sundin ang tinitibok ng puso upang hindi ka mapahamak. Mapalad ang 2, 16, 28, 38, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Rama-Rama-Krisna-Kirsina”. Silver at lilac ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Malaking sopresang may kaugnayan sa salapi ang darating. Tandaang kapag dumami ng dumami ang pera, lalong mas kailangan mong magtipid. Sa pag-ibig, tuloy ang agos ng ligaya habang kadikit ang kasuyong Aries. Mapalad ang 4, 14, 23, 33, 42, at 45. Mahiga mong mantra: “Abra-Ka-Dabra.” Orange at red ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Wag mag-aksaya ng oras, salapi ang katumbas ng bawat sandali. Tandaang dalawang bagay lang ang mahaga sa mundo: pera at pamilya. Mapalad ang 1, 15, 23, 25, 33 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Karaam-Aum”. Yellow at maroon ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Malapit na ang “ber months” ngayon pa lang iplano na ang nalalapit na kapaskuhan! Mas makatitipid kung mamimili na ng mga pang-regalo. Hintaying mag-bargain ang mga department store, yayain ang kasuyo na mamili. Mapalad ang 6, 15, 25, 33, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Taam-Kale-Om.” Pink at blue ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 23)—Sa araw na ito kailangang lagi kang maging optimista upang kumita ng malaking halaga. Sa pag-ibig, sa bawat tampuhang nararanasan, sa muling pagbabati lalo namang nagiinit ang pagmamahalan. Mapalad ang 6, 18, 34, 39, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Atharva-Arjuna-Om.” Green at orange ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Hindi ka dapat magtaka kung bakit patuloy na gumaganda ang iyong kapalaran, sapagkat ang totoo nito ginagamit ka ng langit, upang tumulong ka sa mga inaapi at nangangailangan. Gawin mo na ngayon! Sa pag-ibig, imbis na kung saan-saang lugar nagde-date, ayain ang kasuyo sa isang lugar na malapit sa nature. Mapalad ang 9, 19, 28, 36, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Haram-Haram-Om.” Violet at beige ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Basta’t tuloy-tuloy ka lang na kumilos lalong madadagdagan ang kinikita. Sa pag-ibig, sisigla ang relasyon kung hahaguran ng mainit na halik ang kasuyo sa leeg at lagi mo siyang aabutan ng pera. Mapalad ang 8, 19, 27, 38, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Name-Aum-Name.” Gray at purple ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Kung laging paiiralin ang ugaling sumpungin, paano ka kikita ng malaking halaga? Maging mabait sa iyong mga tauhan. Sa pag-ibig, humingi ng sorry sa minamahal, upang mawala na ang tampuhan. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Ava-Yara-Salva-Me-Om”. Green at red ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Sa malayong pook matatagpuan ang magandang kapalaran. Panahon na upang mag-abroad. Sa pag-ibig, sa ibayong dagat matatagpuan ang true love. Mapalad ang 5, 12, 21, 30, 33, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Om-Amara-Om-Ananda.” White at pink ang buenas.

Read more...