Catriona Gray muling itinaas ang bandera ng LGBTQ; Nag-lecture tungkol sa SOGIE bill

 

ITINAAS muli at iwinagayway ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ang bandera ng LGBTQ+ bilang pagkondena sa kalupitan at kahihiyang dinanas ng transwoman na si Gretchen Diez sa kamay ng isang janitress.

Kilalang supporter ng LGBTQ community ang beauty queen kaya nang mabalitaan ang nangyari kay Gretchen ay agad siyang nag-post ng mensahe sa Instagram para paalalahanan ang madlang pipol tungkol sa mga ipinaglalabang karapatan ng mga ito.

Sa kanyang IG post, ibinahagi ni Catriona ang ilang detalye tungkol sa isinusulong na Sexual Orientation and Gender Identity and Expression o ang SOGIE Bill.

Narito ang kabuuang post ng beauty queen sa IG na pinusuan at ni-like ng libu-libo niyang followers, “Last August 15, Miss Universe 2018 Catriona Gray weighed in on the incident as well as taking the opportunity to educate her 6.4 million Instagram followers on what the SOGIE bill is all about.

“Last night’s incident involving a transgender woman being prohibited from using the womans washroom and resulting in being escorted off premises in handcuffs by local police only highlights further, the Philippines need for implementation of the #SOGIEEqualityBill.

“LGBTQ+ rights are HUMAN rights – mga karapatang pangkaligtasan at kalayaan mula sa diskriminasyon, karahasan at pagmamalupit batay sa pagkakakilanlan.

“The incident happened in a city that has an existing anti-discrimination bill. Ibig sabihin, walang saysay ang isang bill na hindi maipatupad sa isang komunidad.

“Kasabay ng hinihinging pagpasa ng #SOGIEEQUALITYBILL, dapat din tayong humiling ng mga sumusunod bilang isang komunidad:

“1. Accessible forms of information for the public such as educational drives, programs and awareness campaigns: para mas maintindihan natin ang mga pangangailangan ng LGBTQ+ community at para malaman natin ang mga bagay na maaari pa nating magawa bilang mga kaalyado o mga taong may awa sa kapwa. “2. A SOGIE workplace policy: para sa lahat ng mga pampublikong tagapaglingkod at mga taong may impluwensiya sa komunidad.

“Gusto ko ring pagtuunan natin ng pansin ang katotohanang wala dapat makaranas ng anumang uri ng pagpapahiya at pang-aabuso (emotional, physical o sexual), LGBTQ+ man o hindi.

“The whole argument of shifting the blame to the victim for reasons of being trans to justify abuse – is still victim blaming and IS NOT RIGHT. The blame should be on the perpetrators who should be held accountable and corrective actions should be taken (in last nights case – points one and two above could greatly help prevent future similar incidents from happening).

“Ang LGBTQ + ay nakikipaglaban para sa kanilang mga karapatan – ang karapatan sa kaligtasan, proteksyon at pagkakapantay-pantay – ay laban din natin. #SOGIEEqualityNow.”

Read more...