Marjorie naduwag: Pinatumba agad ni Gretchen sa unang round ng bakbakan

By Cristy Fermin August 15,2019
share this

Marjorie naduwag: Pinatumba agad ni Gretchen sa unang round ng bakbakan

By Cristy Fermin August 15,2019
share this

MARJORIE AT GRETCHEN BARRETTO

WAGI ang Team Gretchen Barretto sa naging pasiklaban nila ng kanyang kapatid na si Marjorie. Ngayon siguro ay alam na ni Marjorie ang kapasidad ng nakatatanda niyang kapatid.

Si Marjorie kasi ang naghamon, binago niya ang kanyang IG Bio ng “Ghost Writer,” na sinuklian naman ng hinamon ng “Ghost Buster.”

Pero napakalaking sampal para kay Marjorie ang ipinakitang pagsuporta ng ating mga kababayan kay Gretchen, lalo na ng mga becki, samantalang naging abala naman ang mas nakararaming netizens sa pamba-bash sa kanya.

Pagkatapos lang ng ilang oras ay tinanggal na ni Marjorie ang kanyang IG Bio, si Gretchen naman ay naging abala sa pasasalamat sa kanyang mga tagasuporta, hindi magkandatuto ang aktres sa pagsagot dahil hindi raw niya inasahang ganito katindi ang mangyayari.

Nagkamali ng hinamon si Marjorie, kung tutuusin ay kilalang-kilala nito ang kanyang sister dahil magkadugo sila, alam na alam nito na walang inuurungang laban si Gretchen pero bakit naghamon pa ang ina ni Julia Barretto.

Tanggapin na natin ang katotohanang wagi si La Greta sa laban, panahon ngayon ng aktres, sinumang kumalaban sa kanya ngayon kumbaga sa boksing ay titihaya lang sa lona.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending