Osang gaganap na nanay ni Bea sa pelikula


ANG saya-saya ni Rosanna Roces nang maka-chat namin kahapon dahil after 18 years ay ngayon lang daw siya ulit napasama sa pelikula ng Star Cinema.

Gaganap siya bilang nanay ni Bea Alonzo sa pelikulang sinu-shoot ngayon ni Direk Mae Cruz-Alviar.

“Mabait na nanay ako ni Bea pero tanga pagdating sa lalaki,” sabi ng aktres.

Biro namin sa kanya, “true-to-life ba ito?” “Wa! Ha-hahaha! Buwiset!” sagot niya sa amin.

At sabay sabing, “Kaya nga nagpalit na (ng karelasyon) kasi mas payapa ngayon.”

Sabi namin kay Osang, hindi na niya kailangang um-effort ng acting sa karelasyong lalake dahil siyang-siya ang kanyang karakter, “Ganu’n na nga! Ha-hahaha!” masayang sabi pa ng award-winning actress.

Ang “La Vida Rosa” na ipinalabas noong 2001 ang huling pelikula ni Osang sa Star Cinema na idinirek ni Chito Roño kung saan nanalo siyang Best Actress sa Gawad Urian.

Ito na pala ang second time na magkakatrabaho sina Rosanna at Bea, “Kasama ko sina Bea at Angelica (Panganiban) sa seryeng Maging Sino Ka Man noong 2007.”

Going back sa shooting, kinumusta namin ang mga eksena nila ni Bea at kung kumusta na ngayon ang aktres, “Okay naman, ang ganda ni Bea, blooming ngayon!” sabi ni Rosanna.

First shooting day ni Osang at second day naman ni Bea. Hindi naman nabanggit sa amin kung ano ang title ng kanilang pelikula.

Natanong din namin si Osang kung nakailang taping day na siya para sa bago niyang serye sa ABS-CBN na Pamilya Ko, “Tatlo pa lang, sa week seven pa ako aariba ro’n,” say ng aktres.

Makakasama ni Rosanna sa Pamilya Ko sina JM de Guzman, Arci Muñoz, Kira Balinger, Hashtag Kid Yambao, Irma Adlawan, Alyssa Muhlach, Raikko Mateo, Mutya Orquia, Jairus Aquino, Maris Racal, Kiko Estrada as Berry Mabunga, Perla Bautista at Joey Marquez mula sa RSB Unit at sa direksyon ni Jeffrey Jeturian.

Read more...