Anak ni Nadia Montenegro 5 beses nagtangkang mag-suicide: And she found God

LIMANG beses nagtangkang magpakamatay ang anak ni Nadia Montenegro.

Ito ang ibinahagi ng aktres sa madlang pipol nang mag-guest siya kanina sa Kapamilya morning show na Magandang Buhay.

Napag-usapan kasi ang tungkol sa depresyon na dinaranas ng mga kabataan ngayon kaya natanong sina Nadia, Sunshine Cruz at Wilma Doesnt kung ano sa tingin nila ang dapat gawin ng mga magulang “kapag nakikita na nilang may signs ng self-harm ang anak mo?”

Dito na inamin ni Nadia na isa sa walo niyang anak ang nakaranas ng matinding depresyon nang mamatay ang ama at nagtangka ngang mag-suicide.

“Nangyari ito sa akin recently. Dalawang taon na nawala ang daddy nila. So kanya-kanya kami ng grieving. Hanggang sa last year, tinawag ako ng guidance councilor ng school. Sabi nila may napapansin sila sa anak ko.

“Sabi ko baka ano lang, if you look at my Instagram, nandoon ang testimony ng anak ko, she’s 13. She tried to take her life – five times. So heartbreak is not just because of love. It’s because you lost a parent.

“Naging mahirap. Pagkatapos ng pagkamatay ni Boy (Asistio), siguro ‘yon ang pinakamasakit, kasi hindi ko nalaman,” simulang pahayag ni Nadia na ang tinutukoy ay ang dating alkalde ng Caloocan City na si Macario “Boy” Asistio Jr. na pumanaw noong 2017.

Pagpapatuloy pa niya, “So nu’ng nasa bahay kami umiyak ako. I said, ‘Baby, why did you do that?’ Sabi niya, ‘I just want to be with daddy.’ Sabi ko, ‘The only thing you can do is to pray to God.’ Sabi ko, ‘Alam mo naman hindi ba na if we take our life hindi tayo mapupunta sa langit, sa hell tayo.’

“Nakita ko ‘yung change sa mukha ng anak ko na, oo nga ano, hindi ko pala makikita si daddy. Kasi mga Christian naman ang anak ko, they serve sa church, so alam ko lang na grieving ‘yon. And sabi ng counselor, huwag na huwag niyo po siyang dadalhin sa psychologist, she’s only greiving let her be.’

“So for mga four or five months I let her be. Praise God, ‘yung anak ko na nagtangkang mag-suicide tapos na po siya sa School of Discipleship, magpapastora na po siya. So nag-turn around ang life niya, she found God,” ang iyak nang iyak kuwento ni Nadia.

Sabi naman ng guest psychologist sa show na si Sofia Lina, dapat bigyan ng sapat na panahon ang isang nagluluksa. Hindi raw dapat itong minamadali.

 

 

Read more...