Bea ayaw nang patulan si Julia; move on na

BEA ALONZO

TIKOM pa rin ang bibig ni Bea Alonzo sa kinasasangkutan kontrobersiya, mukhang wala na talaga siyang planong resbakan sina Julia Barretto at Gerald Anderson.

Hanggang ngayon ay abangers pa rin ang madlang pipol sa magiging sagot ni Bea sa mga pasabog ni Julia matapos siyang madawit sa break-up ng aktres at ni Gerald.

Ang tanging paramdam lang ng aktres sa kanyang pagmu-move on sa paghihiwalay nila ni Gerald ay ang pagpapalit ng entry sa kanyang Instagram bio. Aniya, “One day at a time.”

Nitong mga nakaraang araw ay madalas ding makita ang aktres na nakikipag-bonding sa kanyang mga kaibigan. Nito lang weekend, kumalat ang litrato ni Bea kasama ang kaibigang aktor na si Paulo Avelino at ang girlfriend nitong si Jodie Tarasek.

Present din sa litrato nila ang basketball player na si LA Tenorio at asawa nitong si Chesca. Si Jodie ang nag-post ng nasabing group photo sa kanyang Instagram Stories.

In fairness, talagang pinatunayan ni Paulo kay Bea na maaasahan siya sa oras ng kalungkutan. Hindi ba’t naging kontrobersiyal pa ang aktor nang ibandera niya sa buong universe ang pagkampi kay Bea noong kasagsagan ng pag-amin nito na hiwalay na sila ni Gerald.

Nag-trend pa nga sa social media ang post ng aktor tungkol sa panggo-“ghosting” ni Gerald kay Bea.

Kung matatandaan, nagtambal noong 2014 ang dalawa sa Kapamilya drama series na Sana Bukas Pa Ang Kahapon at nasundan pa sa 2018 movie na “Kasal.”

Samantala, ilang litrato naman ni Bea ang kumalat sa Facebook na kuha habang nagsisimba last Sunday.

Maraming netizens ang natuwa nang makita nila na unti-unti nang nakaka-move on ang dalaga.

Read more...