Isang certified Twice fan ang Sahaya lead star na si Miguel Tanfelix.
Sa kanyang latest YouTube vlog, naikuwento ng ka-loveteam ni Bianca Umali kung paano siya naging super fan ng Korean girl group na Twice.
In fairness, talagang hindi pinalagpas ng Kapuso actor ang chance na mapanood ang grupo nang mag-concert ito kamakailan sa Singapore.
“Nanood ako ng Twicelights in Singapore. Tapos hindi pinadala ‘yung camera ko so kukwentuhan ko na lang kayo,” ani Miguel sa kanyang video.
Binalikan ng binata ang araw nang maging fan boy siya ng Korean group, “Paano ba ako naging fan ng Twice? Dati, hindi talaga ako fan ng Twice, o ng K-pop pero dahil sa best friend kong si Miggy Jimenez na mahilig sa K-pop tapos lagi ako pinapapapanood ng K-pop music videos, nahawa ako at kinain ako ng sistema.
“May pinapanood sa aking music video, ‘yung ‘What Is Love?’ at du’n ako nag-start maging K-pop fan.
Nakita ko ‘yung babae sa chorus, sobrang nagandahan ako, ‘yung babaeng ‘yun si Tzuyu,” aniya pa.
Sey pa ni Miguel ibang-iba ang Twice sa mga sikat na Korean girl group, “Feeling ko kaya unique ‘yung grupo nila, kaya patok ‘yung Twice, kasi silang nine members may iba’t ibang personalities base sa mga napanood kong concert.”
Samantala, nasa panganib pa rin ang buhay ni Ahmad (Miguel) sa pagpapatuloy ng kuwento ng Sahaya dahil hindi siya titigilan ni Hubert (Eric Quizon) na desidido nang burahin siya sa mundo bago pa mahuli ang lahat.
Malalagay din sa panganib ang buhay ni Harold (Zoren Legaspi) matapos mabaril. Ito na nga kaya ang katapusan ni Harold? Magkaroon pa kaya sila ng happy ending ni Manisan (Mylene Dizon)? Anong sakripisyo ang gagawin ni Sahaya (Bianca) para mailigtas ang kanyang ama mula kay kamatayan?
Patuloy na tutukan ang mas lalo pang tumitinding kaganapan sa Sahaya pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.