Suspension sa biyahe ng bangka binawi

 

 

PANSAMANTALANG binawi ng Department of Transportation ang suspensyon ng operasyon ng mga motorboat/motor banca na bumibiyahe sa Iloilo-Guimaras Strait.

Ayon kay Transportation Director for Communications Goddes Hope Libiran ipinag-utos ni Transportation Sec. Arthur Tugade ang temporary lifting ng suspension ng biyahe sa lugar.

Sinuspinde ang biyahe matapos na lumubog ang tatlong bangka na ikinasawi ng 31 katao.

Read more...