Kylie naglilihi sa manok: Tsaka gusto ko laging mabango

KYLIE PADILLA AT ALAS

Kakaiba ang pagbubuntis ng Kapuso actress na si Kylie Padilla sa kanyang second baby.

Buong akala raw niya ay babae ang kanyang dinadala dahil nakaranas siya ng tinatawag na Pre-Natal Depression at madalas inaatake ng anxiety sa unang trimester.

First time niyang na-encounter ito dahil masayahin siya noong ipinagbuntis niya si Alas. Ibinahagi rin ni Kylie kung paano niya nalampasan ang pagsubok na ito, “Nag-exercise na lang ako, pag may time ako, pag nasa mood ako, nagwowork-out ako.

“Nilalabas ko in other ways, I write, may project ako for myself, binubuhos ko dun ‘yung passion ko. I painted for a while, nilinis ko yung buong bahay, gusto ko palaging mabango,” aniya.

Dagdag pa ni Kylie, kasama sa mga kinahihiligan niya ngayong buntis siya ang pagkain ng chicken. Five months na ang dinadala niya at excited na excited na siya sa paglabas ng 2nd baby boy nila ni Aljur Abrenica.

Read more...