Jo In Sung, Nam Joo Hyuk, Han Ji Min, Shin Min Ah bibida sa bagong K-drama?

JO IN SUNG AT NAM JOO HYUK

USAP-USAPAN ang balita tungkol sa bagong project ng sikat na Korean writer na si No Hee Kyung.

Naunang napabalita na in-offer ang script sa Korean superstars na sina Jo In Sung at Nam Joo Hyuk at sinabing kino-consider ito ng dalawa, pero wala pang final decision dahil hindi pa tapos ang script ng buong drama.

Bukod dito in-offer din umano ang proyekto kina Shin Min Ah at Han Ji Min at pareho na nilang pinag-iisipan kung tatanggapin ang role.

Totoo ngang magiging star-studded ang drama kung sakaling pumayag ang lahat para gawin ito.

Kabilang sa mga hit K-drama ni In Sung ang That Winter the Wind Blows (2013) at It’s Okay, That’s Love (2014) na ang writer na si No Hee Kyung din ang nagsulat.

Samantala, nakilala si Joo Hyuk sa Weightlifting Fairy Kim Bok Joo (2016), The Bride of Habaek (2017) at Moon Lovers: Scarlet Heart Ryeo (2016) at The Light In Your Eyes (2019).

Tumatak naman si Ji Min sa kanyang pagganap sa Rooftop Prince (2012), Hyde,Jekyll, Me (2016), Familiar Wife (2018), The Light In Your Eyes (2019) at One Spring Night (2019).

Si Shin Min Ah naman ay bumida sa My Girlfriend is a Gumiho (2010), Arang and the Magistrate (2012), Oh My Venus (2016), Tomorrow With You (2017), at Chief of Staff (2019).

Tungkol umano sa volunteer work ng isang international NGO ang bagong kuwento ni No Hee Kyung.
Inaasahang ilalabas ang series sa susunod na taon.

 

Read more...