P95M jackpot hindi nakuha

WALANG tumama sa P95.1 milyong jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 sa bola Linggo ng gabi.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office walang tumama sa winning number combination na 46-05-32-31-12-27.

Lalapit sa P100 million mark ang jackpot prize ng Ultra Lotto sa bola nito sa Martes ng gabi.

Nanalo naman ng tig-P167,520 ang limang mananaya na nakakuha ng limang numero. Tig-P1,520 naman ang napanalunan ng 438 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P24 taya ng 10,291 mananaya na nakatatlong numero.

Ang Ultra Lotto ay binobola tuwing Martes, Biyernes at Linggo.

Read more...