Gerald ok na uli: Ang goal ko ngayon maging better man, better person | Bandera

Gerald ok na uli: Ang goal ko ngayon maging better man, better person

Ervin Santiago - August 12, 2019 - 12:20 AM

SA halip na magpaapekto sa kanegahan at walang patumanggang pamba-bash sa kanya, mas pinili ni Gerald Anderson na magpakapositibo at mag-move on mula sa kinasangkutang iskandalo.

Napakalaking tulong daw para kay Gerald ang pinagdaanang military training kamakailan para matahimik ang kanyang kalooban at pansamantalang makalimutan ang pinagdaraanang kontrobersya dahil sa paghihiwalay nila ni Bea Alonzo.

“Better now! Malaking bagay ‘yung training, mala-king bagay na nalagay sa perspective ‘yung mga bagay-bagay,” ang pahayag ni Gerald sa panayam ng ABS-CBN.

Hangga’t maaari raw ay ayaw na niyang patulan ang mga taong patuloy na namba-bash sa kanya, “Sa dami ng negativity, alangan naman na maging negative pati ako, ‘di ba? The only way to fight negativity is to be positive and with positive thinking, positive vibes and doing something positive also.

“Siyempre madami ng negative energy and when you channel that in a right way, may magagawa kang mabuti. So ang goal ko, to come out a better man, better person,” dagdag pa ng binata sa nasabing panayam.

Inamin naman ng Kapamilya hunk na mas nasasaktan siya ngayon para sa mga taong malalapit sa kanya na siyang naaapektuhan sa pambabatikos sa kanya.

“More than me is ‘yung mga tao sa paligid mo, ‘yung mga mahal ko sa buhay, ang pamilya ko, ‘yun ang mas masakit e. Kasi kung ako lang, okay lang, sanay naman na ako, pero mahirap pati ‘yung pamilya mo,” lahad ng aktor.

Siyempre, napakarami rin niyang natutunan sa mga nangyari, “Just like anybody else, kapag may challenge na darating sa buhay mo, laging may natutunan tayo e. Ang pinaka importante doon is, we learned something from all of this.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending