Kit sa sex scene nila ni Mylene: Mahirap, nakakaurong ng…

USAP-USAPAN ang mainit na eksena ni Kit Thompson with Mylene Dizon pelikulang sa “Belle Douleur” na idinirek ni Atty. Joji Alonso at isa official entries sa ongoing 2019 Cinemalaya Film Festival.

Ayon kay Atty. Joji sa presscon ng “Belle Douleur,” wala siyang naging problema kay Kit while shooting lalo na sa love scene nila ni Mylene.

“Doon sa eksena nila, sabi ko kasi kay Kit, ‘O, sige maglagay ka na ng cover. Pa-tulong ka kay ganito, ganoon.’ And then, sabi niya, ‘Direk, okey lang ako kahit wala.’ Pero ang sagot ko sa kanya, ‘Huwag mong gawin ‘yan. I-save mo ‘yan for some bigger film 10 years from now,’ I don’t know how many years from now, but don’t do that with this film.’

He’s so brave,” kwento ni Atty. Joji.

Inayunan naman ito ni Kit. Wala raw siyang problema sa paggawa ng love scene. But it depends daw kung may ipagagawa sa kanya na total nudity on screen.

Pero sobrang respeto raw ang ibinigay niya kay Mylene sa love scenes nila sa movie.

“I mean, siyempre babae pa rin si Mylene, you know. We just have, uhm, respeto. I feel like in any love scene kailangan mo talaga respetuhin ‘yung partner mo. Know your boundaries and pag-usapan how far you guys willing to take it,” sabi ni Kit.

“And aside from collaboration, may mga technical pa. Saan nakapwesto ‘yung kamera? Paano dapat ‘yung hawak dito? The right position. So, just those little things and you‘re also like after ‘pag cut sinisiguro ko na nakatakip siya. Hindi ‘yung pababayaan ko na lang na, ‘Okey, cut.’ ‘Okey bye!”lahad pa ng aktor.

Diretsahan namang sinagot ni Kit ang tanong ng isang manunulat kung nadala ba siya sa love scene nila ni Mylene.

“Alam mo mahirap ka-sing malibugan kapag maraming nakati-ngin, e. Pero mas nakakaurong ‘yun ng…” sabay tawa ni Kit.

Paliwanag pa niya, “Mahirap talaga. Nakakailang actually, pero tina-try ko na ano, siyempre hindi pwede na, I have to get into the character. But at the same time, of course hindi ko totally mage-get rid ‘yung…ang daming nanonood.”

May rason naman si Kit kung bakit wala siyang kyeme sa pagiging daring sa paggawa ng love scenes.

For sure, marami ang maha-happy to know na wala pang girlfriend si Kit. Pa-date-date lang daw siya ngayon.

Ang “Belle Douleur” ay ipinrodyus din ni Atty. Joji under her film outfit Quantum Films. Mapapanood din ito sa mga sinehan nationwide si-mula sa Agosto 14.

Read more...