MALAPIT na sa normal high water level ang tubig sa La Mesa dam, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration.
Kaninang umaga ang tubig dito ay 76.56 metro tumaas ng 0.22 metro mula sa 76.34 metro na naitala noong Sabado ng umaga.
Ang normal high water level ng La Mesa dam ay 80.15 metro.
Tumaas din ang tubig sa Angat dam. Kahapon ng umaga ito ay 174.13 metro o tumaas ng 1.82 metro mula sa 172.31 metro kamakalawa.
Ang normal high water level ng Angat ay 210 metro. Ang normal operating level nito ay 180 metro.
Ang dalawang dam ang pangunahing pinagkukuhanan ng suplay ng tubig sa Metro Manila at mga karatig probinsya.
READ NEXT
‘Rico Yan’ ng Cebu waging Ultimate Bidaman ng Showtime; isasama sa MMFF entry nina Vice at Anne
MOST READ
LATEST STORIES