INATASAN ng Palasyo ang Philippine National Police (PNP) na imbestigahan ang pagkamatay ng isang nakaposas na Chinese national matapos mahulog mula sa ika-anim na palapag na gusali sa Pamplona Dos, Las Piñas City noong Biyernes ng madaling araw.
Sinabi ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na naaalarma ang Malacanang sa pangyayari.
“We express alarm on the death of a handcuffed Chinese national who reportedly died after escaping from a sixth-floor window and falling from the building,” sabi ni Panelo.
Nauna nang napaulat na nahulog sa bintana mula sa ika-anim na palapag ang 27-anyos na Tsinoy habang tinatangkang tumakas mula sa kanyang employer.
“We ask the Philippine National Police, which is seriously looking into the matter, including tracking down the supervisor of the victim who allegedly made the former a prisoner, to treat the case with dispatch,” dagdag ni Panelo.
Idinagdag ni Panelo na nababahala ang Palasyo sa dumaraming kaso ng mga banyagang manggagawa na nabibiktima ng pang-aabuso, iligal na pagkakakulong at iba pang karahasan na gawa ng kanilang mismong kababayan habang nasa bansa.
“We need to put a stop to these illegal acts. We will not allow nor tolerate any kind of abuse inflicted on any foreigner whether sojourning or working in this country, whether done by their fellow nationals or by our own citizens,” dagdag pa ni Panelo.
Hinimok ni Panelo ang mga banyaga, partikular ang mga Tsinoy na magsumbong sa mga otoridad kaugnay ng pang-aabuso ng kanilang employer.
“No one is exempted from the strict enforcement of our laws of the land,” sabi pa ni Panelo.