Dennis, Jennylyn tagumpay ang pagdi-disguise sa LRT | Bandera

Dennis, Jennylyn tagumpay ang pagdi-disguise sa LRT

Reggee Bonoan |August 11,2019
facebook
share this

Dennis, Jennylyn tagumpay ang pagdi-disguise sa LRT

Reggee Bonoan - August 11, 2019 - 12:10 AM

JENNYLYN MERCADO AT DENNIS TRILLO

MAY sariling gimik ang magdyowang Jennylyn Mercado at Dennis Trillo para dumami ang followers nila sa YouTube – umabot na sa almost 160,000 ang kanilang subscribers.

Sa bawat videos na ipino-post nila sa kanilang YT channel ay halos 100,000 views ang nahahamig nito at mahigit naman sa isang libo ang komentong nababasa namin na halos lahat ay pumupuri sa mga content ng kanilang channel.

Ang huling napanood naming video nina Jen at Dennis sa YouTube ay ang kanilang mini-concert sa LRT 1 Roosevelt Station na kinunan last week.

Ang caption ni Jennylyn sa nasabing post ay, “Hi mga bessie! For the first time, Dennis and I are going to take on a challenge from one of our fans. Paano kaya namin hinarap ang hamon na mag disguise bilang PWD singers sa LRT1 at kumanta para sa dumaraang mga pasahero?

“Find out in this video! Again, maraming salamat kina Ate Vivian at Kuya Jericho sa pagpapahiram nila sa amin ng kanilang puwesto at oras sa pagkanta. Maraming salamat din sa LRMC management sa kanilang pagtulong sa amin para maging matagumpay ang episode na ito!”

Nagkunwaring persons with disability o PWD sina Jen at Dennis, nagsuot ng shades at baseball cap ang aktor at may pekeng bigote pa, habang si Jennylyn naman ay nakatakip ng itim na tela ang mukha.

Clueless ang lahat ng taong dumaraan sa lugar kung sino ang mga kumakanta sa istasyon ng tren at dahil nagandahan sila sa boses ng mga ito ay talagang nagtigilan ang mga pasahero para panoorin sila. May nag-comment pa nga patungkol kay Dennis na paano raw nababasa ng bulag ang lyrics ng kanta sa dala nitong iPad.

At habang kumakanta ang magdyowa ay may isang tao namang naglilibot at may hawak na donation box at in fairness, marami naman ang nagbigay ng kanilang donasyon.

Ang awiting “Sinta” ng Aegis ang unang kinanta nina Jen at Dennis na agad nakapukaw ng atensyon sa LRT station. Kaya naman ang ilang pasahero ay kanya-kanyang labas agad ng cellphone para kunan sila ng video.

At bago magtapos ang mini-show ay nagtanong si Jen sa mga tao ng, “Gusto n’yo pa ba ng isa pa (kanta)?” sabay tanggal ng itim na tela sa kanyang mukha dahil init na init na raw siya. Tinanggal na rin ni Dennis ang kanyang pekeng bigote at nagpakilala sa mga taong nakapalibot sa kanila.

Hiyawan siyempre ang lahat ng nanonood at kanya-kanya na silang pagpapa-selfie sa dalawa.

Ang awiting “After All” naman ni Peter Cetera ang huling handog nila sa mga tao at habang kumakanta ay mas lalo pang dumami ang mga pasaherong nanood sa kanila.

Pinasalamatan naman nina Jen at Dennis ang mga tumulong sa kanila para makapag-perfrom sa nasabing LRT station dahil naging maayos pa rin ang daloy ng mga taong dumaraan doon at walang nangyaring anumang problema.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasama pa rin nina Jen at Dennis ang dalawang PWD na hiniraman nila ng puwesto para mag-show doon.
Buti na lang at sa LRT ginawa nina Jennylyn at Dennis ang mini-concert nila dahil kung sa EDSA ‘yun, siguradong nasita na sila ni Mr. Bong Nebrida, ang supervising operation officer ng MMDA dahil tiyak na magiging dahilan din sila ng matinding trapik.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending