Alex leading lady na, direktor pa ni Piolo sa ‘Fuffy & Fream’

ALESSANDRA DE ROSSI AT PIOLO PASCUAL

Nagsimula na ang shooting ng bagong pelikula nina Alessandra de Rossi at Piolo Pascual, ang “Fluffy and Fream.”

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Alessandra ng litrato nila ni Piolo na pinaniniwalaang kuha sa set ng kanilang latest movie.

Sa isa pa niyang IG post, makikita naman si Piolo na natutulog. Nilagyan niya ito ng caption na, “Ano toooh! 1st take, tulog ka? Oh, here we go! Day 1! #fuffyandfream @piolo_pascual.”

Wala ng ibang detalyeng ibinahagi ang aktres tungkol dito pero base sa kanyang post, ito rin ang magsisilbing full-length directorial film debut ni Alessandra.

Read more...