MAHIGIT isang oras bago mag-alas 3 ng hapon, sinuspinde na rin ng Palasyo ang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno dahil sa nararanasang mga pag-ulan bunsod ng bagyong Hanna.
Pasado alas-2 ng hapon ngayong araw, ipinalabas ni Executive Secretarh Salvador Medialdea ang Memorandum Circular 64 kaugnay ng suspensyon ng klase sa lahat ng antas sa Metro Manila at pasok sa mga tanggapan ng gobyerno epektibo alas-3 ng hapon.
“Upon the recommendation of the National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), and in view of the continuing inclement weather, work in government offices and classes in all schools (public and private) at all levels in Metro Manila, are hereby suspended effective 3:00 PM today, 09 August 2019,” sabi ni Medialdea.
Nauna nang nagkansela ng klase ngayong araw ang maraming lokal na pamahalaan bago pa man ang anunsiyo ng Palasyo.