Heart iniyakan ang mga karanasan noong kabataan: Ako kasi yung kikay-kikay

HEART EVANGELISTA

“I WOULD cry so many times…”

‘Yan ang inamin ni Heart Evangelista nang ibahagi niya kanyang fans and supporters ang naging karanasan niya sa pakikipagkaibigan noong kabataan niya.

Sa kanyang pa-Q&A sa Instagram, natanong ang tinaguriang Queen of Creative Collaboration kung “matampuhin” o “sensitive” ba siya.

Ayon sa misis ni Chiz Escudero, sobrang emotional daw siya noong bata siya at talagang kinakarir niya na maging “belong” sa mga grupong nais niyang salihan kahit na nabu-bully na siya.
Ipinost pa ni Heart sa IG ang kanyang lumang litrato ilang taon na ang nakararaan. Aniya sa caption, “When I was young… I would cry so many times. I wanted everyone to see ‘me’ I tried so hard to be accepted with friend.
“I would hate if they just disappear just because I didn’t fit in or I couldn’t give them what they wanted [because I’m usually the one who follows and kikay kikay so I wasn’t taken seriously],” aniya pa.
Ngunit sabi ni Heart, napakarami niyang natutunan habang siya’y lumalaki lalo na kung paano mahalin ang sarili at kung paano magpahalaga sa mga tunay na kaibigan.
“I KNOW MY WORTH and my capacity to love. So, I don’t cry over people, if they are truly your friend they will come around. No anger just love actually,” sabi pa ni Heart.

Read more...