Ariel Ureta proud sa mga anak: Kaya lang ‘yung bunso ko may ‘B’ dahil…

ARIEL URETA

Proud na proud si Ariel Ureta sa achievements ng kanyang mga anak.

Ang isa niyang anak na lalaki ay nasa construction business. Ang anak niyang si Erika ay magna cum laude sa UP na Industrial Engineering ang natapos.

“Alam mo nakaka-proud kasi sa tanang buhay ko sa aking scholastic life, hindi ako naka-uno sa Math.

‘Yung anak ko, mula first year hanggang year five, puro uno ang Math. ‘Yung youngest ko kaga-graduate lang sa Miriam College, natanggap siya sa UPCAT.

“‘Yung youngest ko first year hanggang fourth year, may isa siyang B. Nag-away kasi sila ng kanyang boyfriend. Nagkaroon ng isang B so second honor siya. ‘Ikaw talaga, nagmana ka sa akin,’” chika ni Ariel sa “Todo-Todo, Walang Preno” presscon. The show is aired everyday, 3 p.m. sa DZMM Teleradyo.

Ang ilang kinagigiliwang segment sa programa ay ang “Sabi ng Lolo Ko”, “Winwin Solutions”, “Todo-Todo, Kuro-Kuro” at “Todo Kuwentuhan Kasama ang mga Sikat.”

Read more...